ITCZ, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw

By Rhommel Balasbas May 05, 2018 - 06:00 AM

Walang namomonitor na sama ng panahon o low pressure area (LPA) ang Pagasa sa kasalukuyan.

Gayunman, patuloy na nakakaapekto ang inter-tropical convergence zone (ITCZ) sa Palawan, Kabisayaan at Mindanao.

Dahil sa ITCZ, mararanasan ang maulap na kalangitan na may mahihina hanggang sa katamtamang pag-uulan, pagkulog at pagkidlat ang sa Palawan.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na may mahihina hanggang sa katamtamang pag-uulan, pagkulog at pagkidlat ang iiral sa buong Visayas, Caraga region, Soccsksargen, Lanao del Sur at Maguindanao.

Patuloy naman ang pag-iral ng easterlies sa nalalabing bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila na inaasahang magdadala ng maalinsangang panahon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.