Pekeng ID nakumpiska sa ilang katao na tinangkang pumasok sa Boracay

Inquirer Photo

Nakumpiska ang ilang pekeng ID mula sa ilang katao na tinangkang pumasok sa Boracay na ngayon ay sarado para sa rehabilitasyon.

Ayon sa pamunuan ng Caticlan Jetty Port sa Aklan, nahuli ang mga pekeng ID kung saan ang isa ay sinerox lamang at pinalaminate.

Nagpapatupad ang mga otoridad ng mahigpit na hakbang sa inspeksyon ng mga ID na gustong pumasok sa isla na isinara simula noong April 26.

Nagbigay ng mga lehitimong ID para sa mga residente at mga legal na trabahador sa Boracay.

Maghahanda ang pantalan ng alituntunin para sa proseso ng mga gustong pumunta sa Boracay kapag muli na itong bubuksan matapos ang paglilinis sa lugar.

Read more...