Loyalty check sa DFA hindi totoo ayon kay Sec. Alan Peter Cayetano

By Len Montaño May 04, 2018 - 09:02 PM

Inquirer Photo

Itinanggi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na mayroong loyalty check sa loob ng ahensya.

Pahayag ito ni Cayetano sa gitna ng ulat na ilang career diplomats ang nais na matanggal siya bilang kalihim ng DFA.

Ito ay dahil sa umanoy maling paghawak sa ugnayan ng Pilipinas at Kuwait dahil sa pagrescue sa mga distressed OFW.

Ayon kay Cayetano, handa siyang umalis sa ahensya kung hindi na siya susuportahan ng mga opisyal.

Una nang iginiit ng opisyal na ligal ang pagligtas sa mga OFW sa Kuwait gayunman ay humingi siya ng paumanhin sa naging hakbang ng embahada ng Pilipinas doon.

TAGS: Alan Peter Cayetano, DFA, loyalty check, Alan Peter Cayetano, DFA, loyalty check

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.