COMELEC, hinimok ang publiko na magreport ng mga paglabag ng mga kandidato

Inquirer Photo

Hinimok ng Commission on Elections (comelec) ang publiko na i-report ang anumang paglabag ng mga kandidato sa baranggay at sangguniang kabataan elections.

Ayon kay Comelec Spokesman Director James Jimenez, dapat i-report sa kanila ang campaign poster na iligal na nakalagay sa hindi common areas.

“in-encourage natin ang publiko na magreport sa atin, at kapag nakatanggap kami ng report, pinapapuntahan namin sa aming local officials para ma-validate kung talagang nandoon ang materials,” pahayag ni Jimenez.

“ang problema nga lang dyan, syempre, baka ‘yung mga sinisisita natin dyan, ang sasabihin, ‘hindi, kalaban ang naglagay nyan,” dagdag nito.

Gayunman, tatanggalin pa rin ng Comelec ang mga bawal na campaign posters.

Tiniyak naman ni Jimenez na handang-handa na ang ahensya sa halalan sa May 14.

Naka-mobilize na anya ang mga tauhan ng Comelec at ang mga election forms at supplies ay idedeliver sa mga barangay isang linggo bago ang eleksyon.

Read more...