Binabantayang Low Pressure Area, isa nang bagyo
Isa nang tropical depression ang bagyong binabantayang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa Huwebes ng gabi inaasahang papasok sa bansa ang nasabing bagyo at papangalanan itong Lando.
Huling namataan ang bagyo sa 2,535 kilometers east ng Luzon at kumikilos sa direksyong West Northwest sa bilis na 25 kilometers kada oras.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers kada oras. Sa sandaling makapasok sa bansa, ay maaapektuhan nito ang Northern Luzon.
Samantala, maagang inulan ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ngayong umaga.
Sa abiso ng PAGASA, alas 4:50 ng umaga kanina, apektado ng thunderstorm ang Mauban, Quezon at ang Cabuyao at Calamba sa Laguna.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang naranasan sa Metro Manila, Bulacan, Batangas at Rizal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.