Mga staff ni CJ Sereno nag-umpisa nang maghakot ng mga gamit

By Ricky Brozas May 04, 2018 - 08:32 PM

Inquirer Photo

Bagamat sa Mayo a-onse pa o eksakto isang linggo mula ngayon inaasahang pagbobotohan ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang quo warranto petition laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Nagsimula nang maghakot ng mga gamit ang mga staff ng Office of the Chief Justice.

Ayon sa source, kaninang umaga, anim na malalaking balikbayan box ang inilabas mula sa Tanggapan ng Punong Mahistrado.

Hindi umano naharang ng security ang mga inilalabas na balikbayan box, pero pumagitna ang ilang mataas na opisyal na Korte Suprema at iginiit na sumailalim sa inspeksyon ang lahat ng mga kahon na ilalabas mula sa tanggapan ni Sereno.

May nagmungkahi pa nga na gawin na lamang ang inspeksyon sa loob ng Tanggapan ni Sereno para paglabas ng opisina ay hindi na ito haharangin pa.

Dagdag pa ng source, may mga dokumento na rin mula sa Office of the Chief Justice na isinailalim sa shredding o giniling.

TAGS: Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno, korte suprema, maghakot ng mga gamit, Mga staff ni CJ Sereno, naghakot, quo warranto petition, Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno, korte suprema, maghakot ng mga gamit, Mga staff ni CJ Sereno, naghakot, quo warranto petition

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.