Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, mula April 14 hanggang May 1, 2018 nakapagtala na sila ng 15 election related incidents.Nangunguna sa mga rehiyon na mayu naitalang patay ay ang Region 12 na may 5 patay at pumangalawa naman ang ARMM na may 4 na patay.
20 dito ang patay habang 5 naman sugatan.
Sa naturang bilang, nangununa ang Region 12 na may 5 patay. Pumangalawa naman ang ARMM na may 4 na patay.
Ikatlo sa pwesto ang Region 8 na may 3 patay, na sinundan naman ng Region 4-A na may 2 patay.
Habang tig-iisa namang patay ang naitala ng
Region 3, Region 5, Region 6, Region 11, Region 13 at Cordillera Region.
Samantala, aabot naman sa 5 ang sugatang naitala ng PNP.
2 dito ay mula sa Region 6, 2 sa Cordillera at 1 naman sa Region 8.
May isa rin na biktima mula sa Region 13 na may kinalaman sa eleksyon na sa kabutihang palad ay ligtas naman at hindi nasugatan.