Pangulong Duterte, nag-alok ng dagdag na pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa radio broadcaster sa Dumaguete
Nag-alok na rin si Pangulong Rodrigo Duterte ng karagdagang P200,000 pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa mga pumatay sa radio broadcaster sa Dumaguete na si Edmund Sestoso.
Sinabi ito ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go sa pagdalaw nito sa burol ni Sestoso.
Bukod pa ito sa P200,000 na reward na inalok ng lokal na pamahalaan ng Dumaguete at lalawigan ng Negros Oriental.
Bukod sa pabuya, ipinag-utos din aniya ni pangulo sa polisya na bigyan ng seguridad ang pamilya Sestoso.
Si Sestoso na host ng isang block time program sa DyGB 91.7 FM ay binaril at pinatay kamakailan ng riding in tandem sa barangay Daro.
Si Sestoso ang pang-siyam na brodkaster na napatay sa ilalim ng Duterte administration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.