Anim na kaso ng umano’y paglabag sa campaign rules, iniulat na sa COMELEC

By Ricky Brozas May 04, 2018 - 06:52 PM

Nakatanggap na ng ulat ang Commission on Elections (COMELEC) na may mga lugar nang nakitaan ng mga iligal na election propaganda.

Ito ay sa pagsisimula ngayong araw ng opisyal na panahon ng pangangampanya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, hindi bababa sa anim na mga ulat ang kanilang natanggap na pawang galing sa Lungsod ng Quezon.

Kaugnay nito, sinabi ni Jimenez na sa halip na citizen’s arrest ay mas hinihimok nila ang citizen’s reporting kung saan ay isusumbong ng mamamayan ang mga paglabag sa kanilang nakikita.

Sa ganitong paraan umano ay hindi malalantad sa kapahamakan ang concerned citizen na mag-uulat ng paglabag.

Umapela rin si Jimenez sa mga botante na huwag padadala sa matatamis na pangako ng mga kandidato o sa ganda ng kanilang mga propaganda dahil mad mainam pa rin na salaing mabuti ang kanilang ugali at track record.

TAGS: Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, BSKE2018, Comelec spokesman James Jimenez, Lungsod ng Quezon, track record, Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, BSKE2018, Comelec spokesman James Jimenez, Lungsod ng Quezon, track record

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.