‘China militarization’ sa Spratlys hamon sa Pilipinas

By Jan Escosio May 04, 2018 - 06:13 PM

Inamin ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na malaking hamon ang sinasabing unti unting Chinese militarization sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea.

Sinabi ni Cayetano na nakikipag-ugnayan na siya sa Department of National Defense (DND) at government intelligence community ukol sa mga bagong missile facilities ng China sa Spratlys.

Aniya ang ibabahagi sa kanyang mga ulat ang magiging basehan ng gagawin nilang hakbang.

Ngunit sinabi nito na malaking hamon para sa Pilipinas ang pagpapalakas ng presensiya ng China sa rehiyon.

Paliwanag nito komplikado ang sitwasyon dahil maraming bansa ang nakikipag-agawan sa China.

Aniya kailangan na magkaroon ng iisang hakbang ang ibang bansa kasama na ang Pilipinas hinggil sa agresibong aksyon ng China.

TAGS: China, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Pilipinas, West Philippine Sea, China, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Pilipinas, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.