Mahigit pitong libong lugar sa bansa, tinukoy bilang election hotspots
Mahigit pitong libo na ang mga lugar sa bansa na isinailalim sa election hotspots ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang inilahad ni Director James Jimenez, tagapagsalita ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay Jimenez, kabuuang 7,638 ang mga naitalang election hot spots kung saan 2,071 ay nasa ilalim ng yellow; 4,970 naman ay orange, habang 597 naman ay red.
Ang nasabing mga kumakatawan sa color coding na sistema sa pagtukoy sa mga lugar na kailangang bantayan ngayong eleksyon dahil sa usaping pang-seguridad.
Mula sa 597 na lugar na isinailalim sa red color, 438 ay mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Anim na pung lugar naman sa Bicol ang sakop ng red color; 40 sa Region 12; at labing-isa sa Region 8.
Kapag ang lugar ay isinailalim sa red color nangangahulugan ito na kritikal ang lagay ng seguridad doon.
Kapag yellow naman ay mayroong kasaysayan ng political violence, at kapag orange ay may presensya ng armadong grupo o organized movement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.