Malakanyang, umaasa na bilang kaibigan, missile ng China sa Zamora reef, hindi naka-umang sa Pilipinas
Nagpahayag ng pagkabahala ang Malakanyang sa napa-ulat na missile deployment ng China sa pinagtatalunang bahagi ng West Philippine Sea.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kumpiyansa sila na hindi nakatutok ang mga nasabing missile sa Pilipinas dahil sa pinalakas na relasyon at mas malapit na pagkakaibigan ng Pilipinas sa China.
Ayon kay Roque, handa aniya ang Pilipinas na pag-aralan ang lahat ng diplomatikong paraan para resolbahin ang nasabing isyu.
Base sa report ng CNBC , nagpakawala kamakailan ng China ng mga anti-ship at surface to air missile sa Zamora reef at dalawa pang reef na inaangkin ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.