Malakanyang, idinepensa si Pangulong Duterte sa pagtawag dito na strongman ng Time Magazine.

By Alvin Barcelona May 04, 2018 - 03:55 PM

Dumipensa ang Malacañang sa paghahanay ng Times Magazine kay Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kilalang strongman sa mundo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa kabila ng artikulo ng Times, marami sa mga Pilipino ang gusto ang malakas na liderato ng pangulo at patunay dito ang mataas na satisfaction, approval, trust at performance rating nito.

Alam na aniya ng mga Pilipino na huwag gawing literal ang mga makukukay na pahayag ng pangulo at seryosohin lamang ang mga usaping isinusulong nito tulad ng isyu ng giyera laban sa droga at krimen.

Kinikilala din ang war on drugs ng administrasyon ng ibang bansa at mga lider tulad ng China, Indonesia, US at mga opisyal ng kapulisan mula sa mga bansa sa Southeast Asia.

Iginiit pa ni Roque na ang hustisyang ipinatutupad ni Pangulong Duterte ay naaayon sa rule of law.

TAGS: China, indonesia, Presidential spokesman Harry Roque, Southeast Asia, strongman, Times Magazine, US, War on drugs, China, indonesia, Presidential spokesman Harry Roque, Southeast Asia, strongman, Times Magazine, US, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.