PNP-HPG, walang sasantuhin sa paghuli ng mga sasakyan na may “wang-wang”

By Mark Makalalad May 04, 2018 - 03:30 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Mas magiging mahigpit ang PNP Highway Patrol Group sa paghuli ng mga sasakyan na may illegal sirens o “wang-wang”.

Ito ang iginiit ni HPG Director Police Chief Supt. Arnel Escobal kasunod nang paglalatag ng kanilang programa sa kanilang “Oplan Tokhang vs Wang-wang” campaign.

Ayon kay Escobal, official government vehicles lamang ang maaring gumamit ng wangwang at ito ay ang PNP, AFP, Ambulansya at Truck ng bumbero.

Maari rin namang gumamit ang foreign diplomats at high ranking officials mula sa ibang bansa depende sa request katulad na lang ng isinasagawa ngayong ADB meeting.

Bago nito, una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpapatuloy nya ang “no wang-wang” na sinimulan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nakakatanggap umano kasi sya ng mga ulat na may mga pulitiko na gumagamit ng wang-wang para makalusot sa trapik.

Nitong Marso lang, nabatid na libu-libong LED Lights, sirens, blinkers at iba pang illegal accessories na nakumpiska ng HPG ang ginulungan ng bulldozer at winasak sa Crame.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng Oplan Disiplinadong Driver ng HPG na sinimulan noong Oktubre 2017 at alinsunod sa Presidential Decree 96 na na nagbabawal sa mga maiingay at flashing device sa mga motor vehicle sa kalsada.

TAGS: AFP, Ambulansya, dating Pangulong Noynoy Aquino, illegal sirens, Oplan Tokhang vs Wang-wang campaign, PNP, pnp-hpg, Rodrigo Duterte, Truck ng bumbero., AFP, Ambulansya, dating Pangulong Noynoy Aquino, illegal sirens, Oplan Tokhang vs Wang-wang campaign, PNP, pnp-hpg, Rodrigo Duterte, Truck ng bumbero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.