Media hub sa Mindanao, inilunsad ng PCOO

By Alvin Barcelona May 04, 2018 - 03:10 PM

Hinikayat ng Malacañang ang mga mamamayang ng Mindanao na tangkilikin ang mga media outlet ng gobyerno para labanan ang pagkalat ng fake news sa rehiyon.

Sinabi ito ni Special Assistant to the President Bong Go sa paglulunsad ng Presidential Communication Operations Office sa Mindanao media hub sa Davao City.

Ayon kay Go, mabibigyan na ng pagkakataon ang mga Mindanaoan na makakuha ng impormasyon at coverage na nararapat dito dahil sa sa kauna-unahang pagkakataon nasa ilalim ng isang grupo ang istasyon ng radyo, telebisyon, print wire at online service.

Pwede rin aniyang gamitin ng mga Mindanaon ang nasabing media hub para ipaalam sa gobyerno ang kanilang kailangang tulong at gawing sumbungan laban sa mga tiwaling opisyal ng bayan.

Ang nasabing proyekto na nagkakahalaga ng 400 milyong piso ay inaasahang makukumpleto sa susunod na taon at magiging operational sa 2nd o 3rd quarter ng 2019, ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar.

TAGS: Davao City, fake news, Media hub, Mindanao, online service, pcoo, PCOO Secretary Martin Andanar, print wire, radyo, Special Assistant to the President Bong Go, telebisyon, Davao City, fake news, Media hub, Mindanao, online service, pcoo, PCOO Secretary Martin Andanar, print wire, radyo, Special Assistant to the President Bong Go, telebisyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.