Pagsibak sa pwesto ng buong Drug Enforcement Unit ng QCPD Station 11, bahagi ng internal cleansing

By Mark Makalalad May 04, 2018 - 02:45 PM

Walang sasantuhin ang Philippine National Police sa kanilang internal cleansing.

Ito ang pahayag ni PNP Chief Oscar Albayalde kasunod ng pagkakasibak sa pwesto ng buong Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District Station 11 kasama ang kanilang hepe na si Chief Supt. Igmedio Bernaldez.

Ayon kay Albayalde, uubusin nila ang mga pasaway at hindi nila ito palulusutin na mamayagpag sa kanilang hanay.

Nilinaw naman ni Albayalde na hindi nangangahulugan na may kinalaman si Bernaldez sa ‘extortion case’ na kinakaharap ng kanyang mga tauhan kaya ito sinibak.

Kaya lang umano ito tinanggal ay para magbigay daan sa patas na imbestigasyon at matiyak na walang whitewash.

Kung mapapatunayan naman anya na walang kasalanan ay bibigyan pa ulit sya ng paglakataon na magkaroon muli ng pwesto at may posibilidad pa na ma-promote.

Nahaharap ngayon sa kontrobersiya ang Station 11 ng QCPD dahil sa reklamo ng panghihingi ng P200,000 ng 9 na police officers kapalit ng pag abswelto sa suspek na nahulihan nila ng iligal na armas.

TAGS: albayalde, Chief Supt. Igmedio Bernaldez, internal cleansing, philippine national police, Pulis, sinibak, Station 11 ng QCPD, albayalde, Chief Supt. Igmedio Bernaldez, internal cleansing, philippine national police, Pulis, sinibak, Station 11 ng QCPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.