Pagkakaisa ng sambayanan, ipinanawagan para tapusin ang usapin ng Kuwait

By Erwin Aguilon May 04, 2018 - 11:18 AM

Hinikayat ni House Committee on Overseas Filipino Workers Vice Chairman Winston Castelo ang sambayanan lalo na ang mga nasa gobyerno na magkaisa para mawakasan na ang krisis sa Kuwait.

Sinabi ni Castelo na mahirap ayusin ang problema ng mga OFW sa Kuwait kung mismong ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para tulungan ang mga OFWs ay papasukan ng intriga.

Naka-monitor aniya ang Kuwaiti government sa bansa para timbangin ang pakikipagkasundo muli sa Pilipinas.

Paliwanag nito, kung mismong ang mga nasa gobyerno ay hindi magkasundo tiyak na malalagay lamang sa disadvantage position at makakaapekto ito sa negosasyon ng Kuwait at Pilipinas.

Mahalaga anya na maipakita sa Kuwait ang pagkakaisa ng bansa para sa pagbibigay proteksyon sa mga OFW at hindi ang pagkakawatak-watak.

Ang pahayag ay ginawa ng mambabatas kasunod ng panawagan ng mga career service officials ng DFA na magbitiw si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano matapos ang resulta ng rescue operation sa Kuwait na nakasira sa relasyon ngayon ng Kuwait at Pilipinas.

 

TAGS: diplomatic relations, Kamara, kuwait, Pilipinas, diplomatic relations, Kamara, kuwait, Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.