Occidental Mindoro, niyanig ng 3.7 magnitude na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang Occidental Mindoro 8:44 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa 16 kilometers sa kanluran ng bayan ng Abra De Ilog.

May lalim na 113 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks ang nasabing lindol.

 

Read more...