Opisyal ng PNP, patay sa pananambang sa Antipolo City

By Mark Makalalad May 04, 2018 - 03:00 PM

Patay ang mataas na opisyal ng Philippine National Police habang sugatan naman ang kinakasama nito sa isang ambush sa Antipolo, Rizal.

Nakilala ang mga biktima na sina Supt. Ramy Tagnong, legal officer ng Police Regional Office 4 at kinakasama nito na si Angela Tagnong.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Anitpolo Police, pasado alas-6:00 kaninang umaga nang mangyari ang krimen.

Binabagtas umano ng mga biktima ang kahabaan ng Barangay Dalig sa Antipolo City sakay ng pulang Toyota Innova nang pagbabarilin sila ng mga hindi pa nakikilalang suspek lulan naman ng red-black na motorsiklo.

Naisugod pa sa pagamutan ang dalawa pero ideneklarang dead on arrival si Supt. Tagnong.

Patuloy naman na nagpapagaling si Angela sa Antipolo Doctors Hospital na nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril.

TAGS: Antipolo City, Pananambang, PNP, Pulis, Antipolo City, Pananambang, PNP, Pulis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.