US, magbibigay ng P182 dagdag na ayuda sa Marawi City
By Rohanisa Abbas May 04, 2018 - 10:12 AM
Magbibigay ng dagdag na ayuda ang United States para sa mga biktima ng bakbakan sa Marawi City.
Nagkakahalagang $3.5 milyon o P182 milyon ang ipaabot ng US.
Ayon kay US Ambassador to the Philippine Sung Kim, nasa $26.4 milyon o P1.4 bilyon na ang kabuuang tulong na naipaabot ng US sa lungsod na limang buwang nalugmok sa gyera.
Ilan sa mga pinaglaanan ng pondo ang transitional shelters, at pagpapagawa ng water at sanitation facilities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.