Umapela ang Department of Education (DepEd) sa Commission on Elections (Comelec) na dapat ay buo na makukuha ng mga guro ang bayad sa pagsisilbi nila sa palapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sinabi ni Education Sec. Leonor Briones dapat ay libre na sa withholding tax ang honoraria ng mga guro.
Paliwanag nito, bago naging epektibo ang Republic Act 10756 o ang Election Service Reform Act (ESRA), ang mga pampublikong guro at volunteers sa eleksyon ay nakakatanggap ng honoraria na walang kinakaltas na anuman buwis.
Kasabay nito hiniling din ng kalihim sa Comelec na payagan ang pagtatalaga ng authorized disbursing officer na maaring kumuha ng cash advance sakaling magkaroon ng emergency medical expenses sa mga guro na nagsisilbi sa Electoral Boards.
Una nang may apila na taasan ang honoraria ng mga guro dahil ang halalan sa Mayo 14 ay mano-mano at hindi automated kayat mas magiging ma-trabaho. /