9 na pulis-Quezon City, sinibak sa pwesto dahil sa pangingikil

By Rohanisa Abbas May 04, 2018 - 09:24 AM

Picoy Cascolan FB Page

Sinibak sa pwesto ni Quezon City Police District Director Chief Supt. Joselito Esquivel ang siyam na pulis na sangkot sa pangingikil.

Sinalakay ng SWAT team ng QCPD ang Station 11 sa Galas, Quezon City laban sa siyam na pulis na myembro ng Drug Enforcement Unit.

Ayon kay Esquivel, isinagawa nila ang entrapment operation makaraang makatanggap sila ng reklamo ng pangingikil.

Aniya, inaresto ng mga pulis ang isang dahil sa illegal possession of firearms at paglabag sa election gun ban. Hiningan ng pera ng siyam na pulis ang suspek. Nakapagbigay na ng pera ang suspek ngunit pinadagdagan pa umano ito ng mga pulis.

Dito na inireklamo ang mga pulis dahil sa pangingikil.

Sinabi ni Esquivel na sinibak niya rin sa pwesto ang hepe ng Station 11 dahil sa command responsibility.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Mahaharap kasong administratibo at kriminal ang siyam na pulis kung mapatutunayan ang krimen.

TAGS: NCRPO. extortion, pangingikil, PNP, Pulis, QCPD, NCRPO. extortion, pangingikil, PNP, Pulis, QCPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.