Mga claimants ng Legacy pre-need company, pinababayaran na ng Korte Suprema

By Jay Dones October 13, 2015 - 04:47 AM

 

Inquirer file photo

Pinayagan na ng Korte Suprema ang Securities and Exchange Commission na umpisahan ang pag-proseso ng claims ng mga lehitimong plan holders ng nagsarang Legacy Consolidated Plans Inc.

Ito’y matapos ibasura ng second division ng SC ang naunang desisyon ni Makati Regional Trial Court Branch 56 Judge Reynaldo Laigo noong 2009 na pumapayag na isama sa corporate assets ng nabangkaroteng Legacy Inc., ang may 300-milyong pisong trust fund nito.

Sa naunang desisyon ng Makati RTC, pinahinhintulutan na maghain din ng claim ang mga creditors ng naturang kumpanya bukod pa sa mga lehitimong plan holders na naapektuhan ng pagsasara ng Legacy Inc.

Gayunman, sa desisyon ng Korte Suprema, sinabi nito na ang 300-milyong pisong trust fund ay para sa mga naagrabyadong plan holders at hindi maaring mapakinabangan ng mga creditors ng Legacy.

Paliwanag pa ng SC, nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ni Judge Laigo nang magdesisyon itong bahagi ng Legacy corporate assets ang naturang trust fund.

Ang Legacy Consolidated Plans Inc. ay bahagi ng Legacy Group of Companies na isang pre-need company na na-bankrupt noong 2009.

Ang dati nitong may-ari na si Celso de los Angeles ay naharap sa mga kaso ng syndicated estafa dahil sa insurance pension scam nang ito’y magsara.

Kinamatayan na ni De Los Angeles ang naturang kaso dahil sa sakit na throat cancer noong 2012.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.