2 drug suspects, patay sa buy bust operation sa Batangas

Patay ang dalawang suspek ng iligal na droga sa Lian, Batangas.

Kinilala ang mga suspek na sina Marlon Adrias at Marlon Lubugan na isang high-value target.

Ayon sa Batangas police, nagsagawa sila ng buy-bust operation sa Barangay Matabungkay dakong 9:50 kagabi nang mauwi ito sa
engkwentro.

Itinakbo pa sa ospital sina Adrias at Lubugan pero patay na nang dumatin ito roon.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang kalibre .45 na baril at hinihinalang shabu.

Read more...