Mahigit 330M na users ng Twitter, hinikayat na magpalit ng password

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 04, 2018 - 07:56 AM

Hinikayat ng pamunuan ng Twitter Inc. ang mahigit 330 million users nito na magpalit ng kanilang password.

Ito ay makaraang makaranas ng problema ang twitter sa sa kanilang internal computer system.

Sa blog post at serye ng tweet, sinabi ng Twitter na naresolba na nila ang problema at nagsasagawa na sila ng imbestigasyon.

Sa pagsisiyasat, wala naman umanong indikasyon na may nanakaw na password o impormasyon.

Gayunman, hinihikayat pa rin nila ang mga user na magpalit ng password.

Hindi naman binanggit ng Twitter kung ilang user ang naapektuhan ng problema.

Nadiskubre ng Twitter ang bug ilang linggo na ang nakaraan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, Twitter, Radyo Inquirer, Twitter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.