China, nakapaglagay ng missiles sa tatlong outposts sa South China Sea
May mga nailagay nang cruise missiles at surface-to-air missile systems ang China sa tatlong outposts nito sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Sa ulat ng CNBC, base sa US Intelligence Report, nakapag-deploy na ang China ng YJ-12B cruise missiles na kayang tumarget ng mga barko na ang layo ay hanggang 295 nautical miles, gayundin ang HQ-9B long-range surface-to-air missiles na kaya namang tumarget ng hanggang 160 miles.
Nakasaad din sa ulat na ito ang kauna-unahang missile deployments ng China sa Spratly islands na pinag-aagawan ng iba’t ibang bansa kabilang ang Pilipinas, Vietnam at Taiwan.
Inilagay umano ang tatlong missile sa Fiery Cross Reef, Subi Reef at Mischief Reef at ang pagde-deploy ay tumagal ng 30 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.