Halos 70,500 passports naiproseso ng passport on wheels – DFA

By Rhommel Balasbas May 04, 2018 - 04:05 AM

Ipinagmalaki ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang bilang ng passports na naiproseso sa ilalim ng kanilang Passport on Wheels (POW) program.

Sa infographics na ipinadala ng kagawaran sa media, sinabi ng kagawaran na sa 65,549 na pre-verified applications mula January 15 hanggang April 30 ng taong ito ay umabot sa 70,473 na passports ang naaprubahan.

Ang passport on wheels program ay binuo upang makaagapay ang DFA sa lumalaking demand para sa passport applications.

Sa ilalim ng POW ay may mga van na naglalaman ng mga makinarya at gadget na ginagamit upang magproseso ng passport applications.

Sa kasalukuyan ay may apat na van ang DFA na kayang magproseso ng 500 passports kada biyahe.

Inaasahan namang dadating ang apat pang van ng DFA para sa POW ngayong buwan kaya’t inaasahang dodoble ang kapasidad ng programa na magproseso ng aplikasyon sa 4000 passports kada araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.