Uniporme ng mga airport personnel, aalisan na ng bulsa kontra kotong

October 13, 2015 - 04:35 AM

Inquirer file photo

Tatanggalin na ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang mga bulsa sa bagong disenyo ng mga uniporme ng kanilang mga tauhan upang hindi na masangkot ang mga ito sa katiwalian.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, ito ang kanilang naisip na paraan upang mapigilan na ang mga ulat ng pangongotong at pagnanakaw sa paliparan.

Kung wala aniyang mga bulsa ang mga airport personnel, wala na aniyang paglalagyan ang mga ito ng kanilang mga nakaw na gamit at lalong hindi na mamamayagpag ang mga grupong pasimuno ng ‘laglag-bala.’

Bukod sa pag-alis sa mga bulsa, hindi na rin papayagan ang mga naka-duty na airport personnel na magbitbit ng kanilang mga cellphone o kahit na anong gadget sa loob ng paliparan.

Una na aniyang naging matagumpay ang pagpapatupad ng ‘no pockets and no gadgets policy’ sa Laguindingan airport sa Cagayan de Oro noong nakaraang taon.

Ito’y matapos na magreklamo ang isang pasahero dahil halos maubos na ang balat ng kanyang ipina-check in na lechon dahil sa pagpapak ng mga airport personnel na nahuli sa akto sa pamamagitan ng cctv.

Maglalagay rin ng CCTV sa entry at exit point ng mga airport personnel sa lahat ng 42 dalawang paliparan sa buong bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.