Federalism dapat ituloy lang ayon sa liderato ng Kamara

By Erwin Aguilon May 03, 2018 - 07:00 PM

Radyo Inquirer

Nanindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi na nila iuurong ang ginagawang pagsusulong ng pag- amyenda sa Saligang Batas.

Dahil dito, hinihikayat ni Alvarez ang 25-member Consultative Committee o ConCom sa pangunguna ni retired Chief Justice Reynato Puno na ipagpatuloy lamang ang kanilang trabaho para maisa-ayos ang Saligang Batas.

Sinabi pa ni Alvarez na wala nang atrasan ang mga lider ng Kamara sa pagsusulong ng cha-cha sa kabila ng resulta ng Pulse Asia survey na maraming Pinoy ang ayaw dito.

Naniniwala si Alvarez na ang charter change at ang pagbabago ng pamahalaan tungo sa federal system ang itinuturing na roadmap para sa mas magandang kinabukasan ng bansa.

Sa pinaka latest survey ng Pulse Asia lumabas na maraming Filipino ang ayaw sa federalism na nasa 64% habang 75% ang hindi pa nababasa o walang alam sa nilalaman ng 1987 Constitution.

TAGS: Alvarez, federalism, pulse asia, Alvarez, federalism, pulse asia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.