Malacañang dumipensa sa pahayag na banta sa media ang Duterte administration
Pumalag ang Malacañang sa pahayag ng National Union of Journalists of the Philippines o NUCP at Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na lumala ang kaso ng patayan sa mga kagawad ng media sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa record ng NUJP at PCIJ walumpu’t limang kaso ng pag-atake laban sa mga mamamahayag ang naitala sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Pero ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat na linawin ang naturang record.
Maari kasi aniya itong mangahulugan na pag-atake sa pananalita at hindi naman pag-atake ng pisikal sa mga mamamahayag.
Sinabi pa ng opisyal na sa kabuuan ay bumaba pa nga ang mga insidente ng patayan sa bansa.
Patunay dito ang pagbaba ng ranggo ng Pilipinas sa listahan ng pinakamapanganib na lugar sa mundo para sa mga journalists.
Hindi naman tinukoy ni Roque kung anong media watchdog ang nagsabi na bumaba ang ranggo ng Pilipinas.
Base kasi sa pahayag ng International Federation of Journalists, ang Pilipinas at Iraq ang deadliest places for journalists.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.