Magsasagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Urban Development kaugnay sa maanomalyang pabahay sa Zamboanga City.
Ayon kay Negros Rep. Albee Benitez, bukod sa mga kahoy na pabahay ng National Housing Authority para sa mga Badjao sa Zamboanga City kasama rin sa iimbestigahan ang bumagsak na tulay.
Paliwanag ng mambabatas, aabot sa P12 Million ang ginastos ng gobyerno sa konstruksyon ng bumagsak na tulay habang tumatawid sina Benitez, Zamboanga Rep. Celso Lobregat at Zamboanga City Mayor Beng Climaco.
Aabot naman anya sa P220,000 ang ginastos sa kada isang kahoy na bahay na mas mura lamang ng kaunti sa sementong pabahay na ang presyo ay P240,000 bawat isa.
Pagpapaliwanagin sa komite ni Benitez ang mga opisyal ng DPWH at NHA sa Zamboanga City na nakaupo noong ginawa ang proyekto.
Pareho lamang ayon kay Benitez ang kahoy na ginamit sa kahoy na tulay at mga bahay kaya ang mga ito ay maari ding bumagsak kalaunan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.