Drilon: Mababang survey result wake up call para ibasura ang federalism
Umaasa si Senate Minority Leader Frank Drilon na magigising na sa realidad ang mga nagtutulak ng pederalismo sa mas dumadaming Filipino na ayaw mabago ang Saligang Batas.
Ayon kay Drilon malinaw naman sa resulta ng survey ng Pulse Asia na mas gusto ng taumbayan ng solusyon sa mga problema sa lipunan at hindi ang Charter Change.
Kaya’t ayon sa opposition senator dapat ay baguhin na ng mga nagtutulak ang Charter Change ang kanilang prayoridad.
Sinabi nito ipinakita lang sa survey na kapag nagkaroon ngayon ng plebisito sa pagbabago sa Konstitusyon ay patay na ang Charter Change.
Giit niya sa halip na madaliin ang Cha Cha ang dapat na asikasuhin na lang sa Kongreso ang mga panukala na makakatulong na bumuti ang buhay ng mamamayan.
Sa resulta ng survey, anim sa bawat 10 Filipino ang ayaw na baguhin ang pangunahing batas ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.