1 miyembro ng NPA patay, 5 iba pa sugatan sa engkwentro sa Laguna

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 03, 2018 - 12:46 PM

Inquirer file photo

Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) Special Partisan Unit (Sparu) makaraang makasagupa ang mga pulis sa isang checkpoint sa bayan ng Pangil sa Laguna.

Ayon kay 1st Lieutenant Felise Vida Solano, public information officer ng Southern Luzon Command (Solcom) ng AFP, limang iba pang rebelde ang nasugatan at naaresto ng mga otoridad sa engkwentro na naganap sa Barangay Dambo.

Kinilala naman ang nasawi na si Ismael Criste alyas “Ka Maeng,” na umano ay pinuno ng assassination squad ng NPA.

Ayon sa ulat, pinara ng mga pulis sa checkpoint ang isang kulay pula na Daihatsu sakay ang mga rebelde.

Sinabi naman ni Calabarzon police director Chief Supt. Guillermo Eleazar na bago ang engkwentro nagsagawa na ng surveillance operation ang pulisya sa bayan ng Pangil makaraang makatanggap ng ulat na may pinaplano ang mga rebelde na umatake sa mga pulis at sundalo sa lugar.

Ani Eleazar si Criste ay lider din ng Rebolusyonaryong Buwis Para sa Kaaway na Uri ng NPA.

Kinilala ang apat sa mga nadakip na sina Luis Alano Jr., 44 anyos; Shirley Martinez, 47 anyos; Felicidad Villegas, 60 anyos; at Cristy Lacuarta, 30 anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang kalibre 45 na baril, isang sub-machine gun na may mga bala, dalawang granda at mga dokumento.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: encounter, NPA, Pangil Laguna, encounter, NPA, Pangil Laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.