Diver ng mga taxi na gumagamit ng APP ng TNCs, pwede nang bigyan ng rating ng mga pasahero
Maaari na ring i-rate ng mga pasahero ang metered taxis na gumagamit ng applications ng mga bagong Transport Network Companies (TNCs), ayon sa Land Transportation Franchise Regulatory Board (LTFRB).
Ipinahayag ni LTFRB board member Aileen Lizada na makakatulong ito sa operators para salain ang abusadong drivers.
Aniya, pwedeng i-blacklist ng taxi operators ang taxi drivers kung mababa ang rating dahil apektado ang kanilang negosyo.
Ayon kay Lizada, idinadaing ng taxi operators na sa kanila ipinapataw ang penalty sa at hindi sa mga pasaway na driver.
Gagamit ng mga taxi na mayroon nang prangkisa ang mga bagong TNCs na Hirna, Hype at Micab.
Nilinaw naman ni Lizada na gagamit din ng mga pribadong sasakyan ang Hype, at mga pribadong sasakyan lang din ang gagamitin ng TNCs na Owto at GoLag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.