Tatlong hinihinalang drug pusher arestado sa Marikina City

Marikina City Police

Arestado ng mga tauhan ng Anti-Illegal Drugs Unit ng Marikina City Police ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation.

Kinilala ang mga suspek na sina Efren Canieso – 21 anyos, Angela Canieso – 18 anyos, at Marvin Canieso – 24 anyos na pawang residente ng #19 Missouri Street, Barangay Malanday.

Nakuha mula sa mga suspek ang walong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Kabilang din sa nakuha sa tatlo ang marked money na nagkakahalaga ng P1,000.

Dinala sa Crime Laboratory ng Eastern Police District ang tatlong suspek para sumailalim sa drug testing at examination.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...