Mga motorista inabisuhan sa traffic na maaring idulot ng isasagawang prusisyon bukas
Pinaghahanda ang mga motorista sa Maynila sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod bukas.
Bukas kasi ipagdiriwang ang ika-400 anibersaryo ng pagdating ng imahen ng Our Lady of Mount Carmel sa bansa.
Sa abiso ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit, isasagawa ang prusisyon bukas, alas-5:00 ng umaga.
Inaasahand darating sa San Sebastian Church ang imahen bago mag alas-11:00 ng umaga.
Narito ang mga dadaanan ng prusisyon ng Our Lady of Mount Carmel sa Maynila:
- magsisimula ito sa Quirino Grandstand
- kanan sa Katigbak Drive
- diretso sa eastbound ng P. Burgos Street
- liliko sa Finance Road
- tatawid sa Taft Avenue
- diretso sa Ayala Bridge
- kaliwa sa C. Palanca (Quiapo ilalim)
- kanan sa Villalobos to Quiapo Church
- kaliwa sa P. Casal Street
- kaliwa sa San Rafael Street hanggang sa makarating sa San Sebastian Church
Kaugnay nito, pinahahanap ng mga alternatibong ruta ang mga motorista.
Ayon sa MPD, ipatutupad stop and go scheme sa mga dadaanan ng prusisyon. Nakadepende naman sa magiging lagay ng trapiko ang pagsasara o pagbubukas sa mga apektadong kalsada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.