Media napagalitan dahil sa gulo sa unang araw ng filing ng COC
Napagalitan ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista ang mga kasapi ng media dahil sa kaunting komosyon na naganap kahapon sa unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy sa kanilang tanggapan.
Ito ay dahil sa pag-labag umano ng ilang mga mamamahayag sa mga regulasyon na ipinatupad ng Comelec kaugnay sa pagkuha ng footage sa mga kandidatong naghahain ng kanilang COC.
May inilaan kasing hiwalay na lugar para sa media interviews ang Comelec nang sa gayon ay hindi na magkagulo sa mismong lugar kung saan isinasagawa ang COC filing.
Ngunit ayon kay Bautista, hindi na sumunod sa kanilang patakarang ang ilang photographers at cameraman dahil na rin sa kagustuhang agad na makuhanan ang mga kandidato sa mas malapit at magandang anggulo.
Nasigawan rin ni Comelec spokesman James Jimenez ang ilan sa kanila dahil sa naging magulo umano ang presson nina Vice President Jejomar Binay at Sen. Gringo Honasan pagkatapos nitong maghain ng kanilang COC.
Halos wala na kasing madaanan ang mga ito dahil sa pagdumog ng mga miyembro ng media habang naglalakad sina Binay at Honasan patungo sa stage kung saan sila pumirma sa pledge of integrity at bago ang presscon.
Samantala, umaasa naman si chairman Bautista na mas magiging maayos na ang mga susunod pang araw ng filing ng COC na tatagal hanggang Biyernes, October 16.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.