Mga kakandidato sa Baguio, lumagda sa peace covenant para sa barangay at SK polls
Lumagda sa peace covenant ang mahigit 2,600 na mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Baguio City.
Sa ilalim ng nilagdaan nilang peace covenant, nangako ang 2,612 na mga kandidato sa lungsod na pananatilihing mapayapa at maayos ang May 14 elections.
Sa nasabing bilang ng mga kandidato, sinabi ng Commission on Elections na ang 348 ay pawang aspirante bilang kapitan ng barnagay, 1,803 naman sa barangay kagawad; 247 bilang SK chairman at 214 ang SK kagawad.
Sa isinagawang seremonya, nagtipun-tipon muna ang mga kandidato sa Baguio Cathedral para dumalo sa isang misa alas 7:00 ng umaga bago isinagawa ang signing.
Ayon kay City police chief Sr. Supt. Ramil Saculles, sa ngayon, walang anumang barangay sa Baguio ang nakasailalim sa election watchlist.
Umapela naman si Baguio City Mayor Mauricio Domogan sa mga kandidato na iwasang magbatuhan ng putik sa kani-kanilang kampanya.
Wala aniyang pakinabang at mabuting idudulot sa kanilang kandidatura ang paninira sa kapwa-kandidato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.