Sunog sa mall sa Balanga, Bataan na nagsimula noong Martes, nagpapatuloy pa rin

Red Cross Photo

Patuloy pa ring nasusunog ang isang mall sa Balanga City, Bataan na tumagal na ng mahigit dalawang araw.

Ayon kay Fire Supt. Marilyn Buslig, nanatili sa 5th alarm ang sunog sa Robinsons Galleria Victoria.

Aniya, nasa ikatlong palapag na lamang ng mall ang sunog, partikular na sa bahagi ng department store.

Sinabi ni Buslig na unang sumiklab ang apoy sa stockroom ng ikalawang palapag ng mall dakong alas-9:00 ng umaga ng Martes.

Ayon sa fire marshall, wala silang natanggap na ulat na mayroon naiwang tao sa nasusunog na gusali. Dagdag niya, wala ring naghahanap ng nawawalang tao sa ngayon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...