Inn at opisina na pag-aari ni Ricardo Parojinog sinalakay ng mga otoridad
Nasabat ang samu’t saring armas at mga ilegal na droga sa property na pag-aari ni Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog.
Ayon kay Chief Insp. Jovie Espenido, Ozamiz police chief, sinalakay nila ang Dottie’s Inn at tanggapan ng MROP Security Agency sa Barangay Banadero na kapwa pag-aari ng konsehal.
It ay makaraang makatanggap sila ng tip na may mga itinatagong baril at mga bala sa nasabing mga establisyimento.
Isinara ang dalawang establisyimento noong nakaraang taon matapos salakayin ng mga pulis ang bahay ni Mayor Reynaldo Parojinog na kapatid ng konsehal.
Sa ngayon pinaghahanap pa rin si Konsehal Parojinog at may patong na 5 milyong piso sa ulo nito.
Nakuha mula sa ginawang pagsalakay ang dalawang antitank rockets, dalawa rocket-propelled grenades, tatlong rifle grenades, kabinglimang 12-gauge shotguns, labingwalong 9mm na baril, walong .38-caliber revolvers, isang M16 rifle, at mga bala at magazines.
Kasunod nito sinalakay din ng mga otoridad ang farm na pag-aari naman ng isang Ian Dionson na aide ng konsehal at may mga nasabat namang pampasabog at 250 grams ng hinihinalang shabu.
Hindi inabutan si Dionson sa ginawang raid kaya inimbitahan na lang sa presinto ang caretaker ng farm na si Elmer Prenio para sumailalim sa pagtatanong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.