Sinabi ni Ejercito na layon ng inihain niyang Senate Bill No 157 na maayendahan ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.
Ito aniya ay para magamit ang Legal Assistance Fund para tulungan ang OFW na may kaso na ang katapat na kaparusahan na kamatayan o habambuhay na pagkabillango.
Sa ngayon ang naturang pondo ay maaring gamitin lang sa pagkuha ng mga banyagang abogado na magtatanggol sa OFW.
Samantala ang kanyang Senate Bill No 1858 ay para sa pagbuo ng Special Assistance Fund for OFWs na gagamitin sa pagtulong sa lahat ng gastusin ng mga distressed OFWs.