Inihain sa kamara ang isang panukala para sa pagkakaroon ng P600 national minimum wage para sa pribadong sektor.
Base sa House Bill 7527 nina Kabayan Representatives Ron Salo at Ciriaco Calalang, dapat gawing P600 ang arawang sahod sa buong bansa upang gawing pare-pareho na ito sa lahat ng minimum wage earner.
Makatutulong din anila ang panukala kapag ito ay naisabatas na madecongest ang Metro Manila.
Maari na anyang piliin ng mga obrero na sa kanilang mga lalawigan na magtrabaho dahil pareho lamang naman ang suweldo sa kalakhang maynila.
Ito anila ay upang tuldukan na rin ang hindi pagkakapantay-pantay ng kita ng mga manggagawa sa iba’t ibang rehiyon.
Mas mababa ang panukala ng mga ito sa isinusulong na national minimum wage na P750 ng Makabayan bloc.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.