Pilipinas pangalawa sa Asia-Pacific sa may pinakamaraming bilang ng nasasawi dahil sa indoor air pollution
Pumangalawa ang Pilipinas sa may pinakamaraming pagkasawi dahil sa indoor air pollution sa Asia-Pacific, ayon sa World Health Organization (WHO).
Batay sa datos ng WHO, naitala ang halos 84 na pagkasawi sa bawat 100,000 Filipino noong 2016 dahil sa polusyon sa loob ng bahay.
Maliban dito, nasa ikatlong pwesto ang Pilipinas sa may pinakamaraming pagkamatay dahil sa polusyon sa labas o outdoor air pollution. Umabot sa 45.3 ang namamatay sa bawat 100,000 katao dahil dito.
Nanguna ang Laos sa may pinakamaraming namamatay dahil sa indoor air pollution na may 85 pagkasawi, habang ang China naman ang nanguna sa outdoor poluution kung saan 81.5 pagkamatay sa bawat 100,000 katao ang naiwala.
Sa Pilipinas, posibleng dahil sa paggamit ng kerosene at panggatong ang mga pagkasawi na may kaugnayan sa indoor air pollution.
Ayon sa WHO, ang outdoor air pollution naman ay bunsod ng “inefficient energy use” sa mga kabahayan, industriya, agrikultura, transportasyon, at coal-fired power plants.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.