Davao City naglabas ng traffic rerouting plan para sa Worldwide Walk ng INC sa Linggo

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 03, 2018 - 08:53 AM

Nagpa-abiso na rin ang lokal na pamahalaan ng Davao City sa mga motorista sa ipatutupad na road closure bunsod ng isasagawang worldwide walk ng Iglesia ni Cristo sa Linggo, May 6.

Alas 4:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali sa Linggo isasara ang CM Recto Avenue hanggang Bonifacio Street at Victoria Plaza sa JP Laurel northbound.

Gagawin namang two-way ang traffic sa JP Laurel southbound sa kasagsagan ng aktibidad.

Nagtalaga din ng mga lugar na maaring gamitin na paradahan ng sasakyan ng mga lalahok sa event.

Sa inilabas na traffic plan ang mga mga designated parking area ay sa Roxas Avenue, Agro Football Field, Freedom Park at Central Bank.

Naglabas din ng listahan ng mga alternatibong ruta ang lokal na pamahalaan para magamit ng mga motorista.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Davao City, INC, Worldwide Walk 2018, Davao City, INC, Worldwide Walk 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.