WATCH: 2 airport police arestado dahil sa pangongotong

By Donabelle Dominguez-Cargullo, Mark Makalalad May 03, 2018 - 08:35 AM

Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Counter Intelligence Task Force (CITF) at Intelligence Group ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang airport police dahil sa pangongotong.

Nagkasa ng entrapment operation ang PNP laban kina PO1 Pablo P. Atayde Jr. at PO1 Danilo Levite Jr. dahil sa pagkakasangkot sa pangongotong sa mga driver ng taxi na nagsasakay ng pasahero sa NAIA terminal 2.

Inaresto ang dalawa makaraang tumanggap ng marked money mula sa mga tauhan ng CITF na nagpanggap bilang driver ng taxi.

Sina Atayde at Levite ay nasa kostodiya ngayon ng CITF at dinala sa Camp Crame para sumailalim sa proseso.

Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ang PNP-CITF ng mensahe sa text kaugnay sa ilegal na gawain ng dalawang pulis.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: CITF, NAIA terminal 2, PNP, Radyo Inquirer, CITF, NAIA terminal 2, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.