Mga naaresto ng PNP na lumabag gun ban, umakyat na sa 812

Umakyat na sa 812 ang bilang ng mga naaresto ng Philippine National Police dahil sa paglabag sa umiiral na gun ban.

Ayon kay, PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, sakop ng naturang report ang petsa ng April 14, 2018 na mismong simula ng election period hanggang nitong Lunes, April 30.

Pinangangambahan din na tumaas pa ang naturang bilang habang papalapit na nang papalapit ang Baranggay at Sangguniang Kabataan elections.

Inulat nya rin na nasa 574 na mga baril na ang kanilang nakumpiska sa gun ban violators.

Samantala, nilinaw naman ni Albayalde na hindi pa kasama sa bilang ng mga naaresto at mga nakumpsikang baril ang 3 magkakapatid na pulis na sina PO1 Ralph Soriano, PO1 Rendel Soriano at PO1 Reniel Soriano matapos mag viral ang kanilang video sa social media na may bitbit na baril kahit nakasibilyan nang tumungo sa harap ng isang bahay sa Caloocan City.

Ang gun ban ay iiral hanggang May 21.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...