Ayon kay Pagasa Senior Weather Specialist Chris Perez, ang ITCZ ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa buong Visayas, sa lalawigan ng Palawan, Caraga, Northern Mindanao at sa Zamboanga Peninsula.
Ayon sa Pagasa, ang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha at flashflood sa nabanggit na mga lugar.
Ang nalalabi namang bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila ay magiging mainit at maalinsangan ang panahon at makararanas lang ng isolated na pag-ulan sa hapon o gabi.
MOST READ
LATEST STORIES