Visayas, Mindanao at lalawigan ng Palawan, apektado ng ITCZ – Pagasa

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 03, 2018 - 06:52 AM

Umakyat ang intertropical convergence zone at maliban sa Mindanao ay apektado na rin nito ang Visayas.

Ayon kay Pagasa Senior Weather Specialist Chris Perez, ang ITCZ ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa buong Visayas, sa lalawigan ng Palawan, Caraga, Northern Mindanao at sa Zamboanga Peninsula.

Ayon sa Pagasa, ang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha at flashflood sa nabanggit na mga lugar.

Ang nalalabi namang bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila ay magiging mainit at maalinsangan ang panahon at makararanas lang ng isolated na pag-ulan sa hapon o gabi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ITCZ, Mindanao, Pagasa, Palawan, Radyo Inquirer, weather, ITCZ, Mindanao, Pagasa, Palawan, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.