9 patay sa pagbagsak ng cargo plane malapit sa Georgia Airport
UPDATE: Siyam ang nasawi makaraang bumagsak ang isang Air National Guard C-130 cargo plane habang nasa training mission malapit sa Georgia airport.
Ang mga nasawi ay pawang miyembro ng National Guard ng Puerto Rico.
Ayon kay Capt. Jeff Bezore, tagapagsalita ng Georgia Air National Guard’s 165th Air Wing, kumpirmadong walang nakaligtas sa lahat ng sakay ng eroplano.
Iniimbestigahan pa din kung ano ang naging dahilan ng plane crash.
Ang cargo plane ay mla sa 156th Air Wing ng Puerto Rico, at pawang mga Puerto Ricans ang sakay nito na patungo sa isang misyon sa Arizona.
Bumagsak ito sa highway malapit sa paliparan ng Georgia at mabuting walang tinamaang sasakyan.
Nagpaabot naman ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi si Puerto Rico Gov. Ricardo Rossello.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.