Higit kalahating milyon, inaasahang lalahok sa ‘Worldwide Walk 2018’ ng INC

By Rhommel Balasbas May 03, 2018 - 06:33 AM

Tinatayang higit 500,000 katao ang inaasahang lalahok sa Worldwide Walk 2018 ng Iglesia ni Cristo sa May 6, araw ng Linggo ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Dahil sa nasabing bilang, nag-abiso ang MMDA sa mga motorista na humanap ng mga alternatibong ruta dahil isasara ang ilang bahagi ng Roxas Boulevard simula hating-gabi ng May 5.

Ayon kay MMDA Deputy Chairman Frisco San Juan Jr., parehong isasara ang kahabaan ng northbound at southbound portions ng Roxas Boulevard mula Buendia hanggang Padre Burgos upang bigyang daan ang pagtitipon.

Inaasahang magtitipon ang mga dadalo sa event sa Cultural Center of the Philippines (CPP) at maglalakad patungong Quirino Grandstand.

Nakatakdang ikalat ng MMDA ang 200 personnel na kinabibilangan ng traffic enforcers, road emergency grourp at roadside clearing group upang tiyakin ang peace and order at kalinisan sa mga lugar na apektado ng nasabing pagtitipon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: INC, Radyo Inquirer, road closures, Worldwide Walk 2018, INC, Radyo Inquirer, road closures, Worldwide Walk 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.